Ni Lord Byron
Sa kagandahan siya’y lumalakad, gaya ng pag-lubog ng araw
Ng mga panahong walang ulap at langit na maybituin;
Lahat na sakdal sa liwanag at dilim
Tagpuan sa kanyang mukha at mata
Kaayaaya sa linaw na mabini
Tanging pinagkait ng langit sa matinag na araw.
Isang anino pa sana, isang sinag kuhanin,
Ang nagtago sa walang ngalang gilas,
Umaalon sa madilim na buhok,
Sa kanyang anyo ay nagalalaro;
Lahat ng diwa ito’y ipinalalaan
Anong puri, o anong irog nitong pinagmulan.
Sa pisngi at kanyang kilay,
Ang pagkaamo, ang pagkagiliw, lakip lamang ng pagkasigasig
Sa ngiting bumubuo, at kulay na umaalab;
Sabihin gaano sa ganda itong lumipas
Ang isip na ganap sa lahat,
Ang pusong wagas ang puri.
*my translation of Byron's poem.
No comments:
Post a Comment